Goodbye FPJAP, goodbye Susan Roces

HINDI na ito kiyems. Matatapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano sa Hulyo dahil kailangan nang isalang ang Darna. Sobrang haba na kasi, mahigit anim na taon. Tinalbugan pa ang Mara-Clara na sobrang haba rin.

Kasabay ng pamamaalam ng FPJAP, bibigyan din ng magandang exit ang karakter ng yumaong veteran actress na si Susan Roces bilang Lola Flora. Kasama siyang nagsimula, kaya hanggang wakas, kasama pa rin siya. Tama lang naman. Kung tutuusin, siya ang nagpasiikat kay Coco Martin at iba pa. Sa birthday ni Manang Inday sa July 28 kung saan dapat ay 81 years old na siya, tamang tama ito bilang tribute sa kanya – ending ng FPJAP.

Iisa na lamang ang nitso nila ng asawang si Fernando Poe Jr. na tinaguriang ‘Da King’ kaya talagang magkasama na sila. Ang sweet, di ba? Magkasama hanggang sa kabilang buhay ang King and Queen of Philippine Movies.

ANYARE VICE GANDA?
Aksidenteng nasubsob si Vice Ganda noong June 27, 2022 habang ginagaya ang lakad ng isang contestant sa “Showtime Sexy Babe.”

But during his hilarious act on stage, as he sashayed comically, Vice missed a step and tumbled over in front of the cameraman’s spot.

Agad namang dumalo sina Vhong, Jhong, isang floor director, at syempre, ang partner and co-host ni Vice na si Ion Perez. Pare-pareho silang nagpipigil ng tawa. Pero game naman si Vice. Ginawa pa nga niya itong blooper, at eventually, sinisi ni Vice si Jhong Hilario sa nangyari matapos i-replay at pagtawanan ang naganap na scene.

Aksidente naman talaga ito at walang may kasalanan kaya sinamantala na ito ng grupo para maging masaya ang show.

Sa kabila ng kasayahan, napansin naman ng mga YouTubers kung paano nagmadaling dumalo si Ion kay Vice at kung gaano nag-aalala ang kanyang mukha kahit hindi na ito nakisali pa sa bloopers. Parang totoong may feelings nga si Ion kay Vice. Palagay ninyo? Ako kasi, hindi ako mapalagay.

VIC SOTTO, PAULEEN LUNA, TALI NAMASYAL SA SINGAPORE
Sa wakas, nakalabas din sa bansa ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna kasama ang kanilang anak na si Talitha. Singapore ang kanilang destinasyon kasama ang nag-iisang anak nilang si Talitha.

Mataggal-tagal dinn silang hindi nakalabas ng bahay dahil sa pandemya kaya talaga namang atat na atal silang gumala.

Ito ang first travel nila abroad magmula nang lumaganap ang pandemya nung 2020. Ngayong medyo maluwag na, dumayo sila sa Universal Studios para sa kanilang anak. Ayon kay Pauleen, hindi lamang si Tali ang nag-enjoy kundi maging si ‘bossing.’ Nakikipagsayaw pa raw ito sa mga ‘minions’ habang kasama si Talitha. Sulit na sult daw talaga ang kanilang pagod.

Pero hindi lang daw bakasyon ang diayo nila sa Singapoore. May inaayos daw si Bossing Vic na magandang project para kay Tali sa M-Zet Productions. Hindi niya masiguro kung sitcom ba o movie, pero abangan na lang natin.

Tila may papalit na kay Maine Mendoza sa Daddy’s Gurl. Bakit naman hindi? Talented din naman si Tali.

BEA ALONZO NO-NO KAY GERALD ANDERSON
Walang problema kay Bea Alonzo kahit makapartner niya uli ang mga dati niyang boyfriends, liban lang daw sa isa.

Kung sino man siya, hindi niya pinangalanan pero definitely, hindi si Zanjoe Marudo dahil kahit ngayon, okay na okay pa rin itong maglabas-masok sa bahay nila. In fact, itinuturing raw niyang close family friend ang inatang Batangueno.

Ayon kay Bea, nakipaghiwalay siya ng maayos sa halos lahat ng mga ex-boyfriend niya kaya wala silang bad blood. Pero alam naman nating lahat na hindi ganoon ang kaso kay Gerald Anderson na nagkaroon pa nga ng “ghosting” issue. Wala raw kasi silang formal break-up. Isa pa, lumabas na lang ang balitang sila na pal ani Julia Barreto pero hindi pa sila break ni Bea. Sakit, di ba? Kabwiset lag.

Wala rin naman umanong problema sa current boyfriend ni Bea na si Dominic Roque kung makapareha man niya uli ang kung sino man sa mga naging ex niya. Hindi raw mahigpit si Dom at nauunawaan siya nito dahil artista rin ito. In other words, si Gerald nga ang no-no kay Bea at wala nang iba! Angal pa?