GOODBYE, KINGS!

ginebra

MARAMI ang umuwing luhaan sa pagkatalo ng Barangay Ginebra sa TNT KaTropa, 92-103, sa Game 4 noong Huwebes ng gabi.

Humataw si Jayson  Castro ng 20 points, 6 rebounds, 3 assists at 1 steal para pangunahan ang Texters sa pagkopo ng unang finals berth sa PBA Commissioner’s Cup.

Sa ipinakita ni point guard Castro na miyembro ng GILAS Pilipinas ay itinanghal siyang ‘Best Player of the Game’ kung saan tinalo niya sina import Terrence Jones na kumana ng triple double – 24 points, 13 rebounds at 10 assists, at Troy Rosario ay may double-double na 22 markers at 11 rebounds. Waiting pa ang TNT kung sino ang makakalaban nila sa Rain or Shine at San Miguel Beer na hanggang presstime kagabi ay nagpapambuno pa.

Sinabi ni TNT coach Bong Ravena na handa sila sa championship game  sino man sa Elasto Painters at Beermen ang kanilang makaharap.



Napasyal ako sa MPBL, nasa venue si Sen. Manny Pacquiao, founder ng liga. Naabutan namin ang laro ng Caloocan Supremos laban sa Rizal XENTROMALL ni coach JV Gayoso. Tinalo ng Supremos Victory Liner ang Rizal. Pangatlong panalo na ito ng kampo ni coach John Kallos, habang nananatiling isang panalo pa lang ang naiuwi ng Rizal.

Sa 2nd game naman ay natalo ang Zamboanga Family’s Brand Sardines laban sa sister team na Bacolod Master Sardines, 84-82. Si Pao Javelona ang ‘Best Player of the Game’ sa pagkamada ng 27 points, 6 rebounds, limang assists at 4 steals. Pero sa totoo lang ha, napansin ko na parang maraming maling tawag sa kampo ng Family’s Brand Sardines. Wala akong kinakampihan.

Bongga rin ang Bacoor Strike sa Serbisyo, kung saan nakita namin ang actor na si Gabby Concepcion. Mukhang sumuporta si Gabby sa naturang team dahil siguro kina Strike Revilla at Chaye Revilla.. Anyway, congrats sa mga nanalo sa MPBL.



Maganda ang inilaro ni Luke Parcero sa last game ng AMA Online Education na nanalo laban sa IWalk, 110-92. Si Parcero ay nakapag-ambag ng 12 points sa team. Ayon kay coach Mark Herrera, nagpapasalamat siya na naglalaro pa rin sa AMA si Luke dahil marami ang nagkakainteres sa kalibre nito. Dagdag pa ni coach Herrera, all- around player ang klase ni Parcero. Malamang ay nagsisisi ngayon ang mga team na hindi kumuha kay Luke. Ang player ang isa sa nagpapahirap sa mga nakakalaban ng Online Education.

Comments are closed.