Isang bagong teknolohiya na naman ang naimbento ng tao — ang Voice over Internet Protocol (VoIP). Ito ang teknolohiyang hinahayaan kang makagawa ng voice calls gamit ang broadband Internet connection sa halip na regular (o analog) phone line. Tinatawag din itong IP telephony o Internet telephony. Isa itong phone service na gumagamit ng internet connection para makatawag at matawagan tulad ng Skype, Viber, Google Voice, Google Hangouts, Google Meet, Facebook Messenger, at WhatsApp.
Mas accessible at mas mura ang communication gamit ang VoIP.
Hindi ito landline in a traditional sense, dahil connected ang telepono sa internet, at hindi sa phone line. Gayunman, may VoIP phone na kamukha at nagpa-function na parang traditional landline phone. Pero pwede ring gamitin ang cell phone. Ngunit magkaiba ang VoIP at landline. Kailangan ng VoIP ang internet service para nakagawa ng telephone calls via their computers, smartphones o iba pang devices; samantalang ang landline ay ang traditional telephone system, na gumagamit ng wires and cables para mag-transmit ng signals sa dalawang points. In other words, makakatawag sa VoIP via internet at makakatawag naman gamit ang landlines via copper wires. This means pwedeng tumawag kahit saan gamit ang VoIP na may internet connection, habang ang landline calls ay restricted sa certain geographical areas. Hindi rin kasing efficient ang copper wires ng fiber-optic cables.
Ginagamit na ng malalaking corporations ang VoIP para palitan ang datihang POTS (Plain Old Telephone Systems system}. Sa maliliit na negosyo naman, gumagamit na rin sila ng software-based VoIP PBX systems. Ngunit nang magkaroon ng pandemya, natuto ang lahat na umasa sa mas madali at mas murang uri ng komunikasyon tulad ng Google Meet at Zoom — lalo na ang mga estudyanteng kailangang magkita araw-araw para sa kanilang klase. Isa sa pinakagamit na gamit ay ang Google Meet dahil kayang magsama-sama dito ang mahigit 100 meet-ups gamit lamang ang kanya-kanyang cellphones o laptop para makakonekta sa isang laptop o desktop computer na siyang mother-deliverer ng communication.
Syempre, hindi ito libre. Hindi naman libre ang wifi. Pero mura lamang ito, depende kung ano ang netwok service mo. At kadalasan, unlimited calls pa kahit sa domestic calls o long-distance calls sa specific countries.
May dalawang uri ng VoIP telephones: ang hardware based at ang software based. Ang hardware-based VoIP phone ay parang traditional hard-wired o cordless telephone na may similar features tulad ng speaker o microphone, touchpad at caller ID display.
Zoom Phone ang leader sa VoIP industry. Zoom Phone ang gamit ng mga modernong businesses sa kanilang communications systems para makatipid, ma-improve ang productivity, at maging mabilis ang komunikasyon.
Mayroon ding VoIP number tulad ng landline telephone number, at operating ito sa internet connection. May Voice over IP phone numbers na naka-assign sa user, hindi sa physical location. This means, pwedeng gamitin ang VoIP number kahit saan gamit ang VoIP phone app sa kahit anong mobile device o desktop computer.
Malalamang isa itong VoIP Call kung ang phone display ay katulad ng numero sa landline. Gayunman, hindi rin tayo sigurado dahil mahuhusay ang mga hackers sa Pilipinas.
Kung gusto mo pa ring gamitin ang iyong traditional phone, lagyan lamang ito ng VoIP adapter o bumili ng VoIP phone na specifically designed parasa VoIP service. Kokonekta ang VoIP adapter sa inyong router at magagamit na ang traditional phone para makatawag o makatanggap ng ng VoIP calls.
Magagamit pa rin ang iyong existing phones sa VoIP kung equipped ito ng ATA (Analog Telephone Adapter). Gamit ito, nae-empower ang iyong cellphone na gamitin ang VoIP technology, gamit lamang ang web para ma-channel ang voice data sa digital packets.
Kapag nagparehistro ka ng numero sa Twilio, pwede mo itong gamitin sa voice calls at sa two-way SMS/MMS messaging.
JAYZL V. NEBRE