GOODBYE, OLYMPICS! (Gilas tinambakan ng Dominican Republic)

Gilas vs Dominican Republic

NAGLAHO na ang pag-asa ng Gilas Pilipinas na makapaglaro sa Tokyo Olympics.

Ito ay makaraang malasap ng mga Pinoy ang 94-67 pagkabigo sa mga kamay ng Dominican Republic sa FIBA Olympic Qualifying Tournament kahapon sa  Aleksandar Nikolic Hall sa Belgrade, Serbia.

Naging malaking salik sa pagkatalo ng Gilas ang kawalan ng eksperyensiya kung saan gumawa ang national team ng kabuuang 23 turnovers sa laro.

Nahirapan ang Gilas sa opensa na sinamantala naman ng Dominican Republic. Na-outscore ng Dominican Republic ang mga Pinoy, 26-10, tampok ang 12 unanswered points sa pagtatapos ng third quarter.

Nagpatuloy ang pagdurusa ng Gilas sa final period kung saan wala silang nagawa sa pananalasa ng Dominican Republic, sa pangunguna nina Victor Liz at Gelvis Solano.

Sa pagkatalo ay wala nang pag-asa ang Filipinas na magkuwalipika sa Tokyo makaraang mabigo sa world no. 5 Serbia noong Huwebes.

Ang Gilas ay kulelat sa Group A na may 0-2 win-loss record, habang magpapambuno ang Serbia (2-0) at  Dominican Republic (1-1) sa knockout semifinals.

Nanguna para sa Gilas sina Jordan Heading at Angelo Kouame na may 16 points at 10 points, ayon sa pagkakasunod. CLYDE MARIANO

Iskor:

Dominican Republic (94) – Liz 23, Solano 21, Torres Cuevas 20, Nunez Castillo 13, Ramirez 5, Araujo 4, Rojas 4, Mendoza 2, Henriquez 0, Martinez 0, Sarita 0.

Gilas Pilipinas (67) – Heading 16, Kouame 10, Sotto 8, Abarrientos 6, Belangel 6, Navarro 6, Baltazar 5, Tama-yo 5, Nieto 4, Go 1, Chiu 0.

QS: 23-22, 39-41, 65-51, 94-67.

6 thoughts on “GOODBYE, OLYMPICS! (Gilas tinambakan ng Dominican Republic)”

  1. 83098 271981If running proves to be a dilemma then it may be wise to discover alternative exercises such as circuit training, weight training, swimming or cycling. 89121

Comments are closed.