MUKHANG namali ang aking idol na senador na nagsabing walang direktang ebidensiya na nagli-link sa Dengvaxia sa kamatayan ng mga batang naturukan ng nasabing experimental vaccine.
Walang pinag-iba ‘yan sa kamakailan ay mga nangamatay dahil sa may lasong milk shake sa Lungsod ng Maynila.
Pare-parehong sintomas ang ipinakita ng mga biktima bago nangamatay. Ganyan din sa biktima ng Dengvaxia. Mismong nanggaling na rin sa Sanofi Pasteurs, ang kompanyang nagma-manufacture ng Dengvaxia, na maaaring magkaroon ng extreme dengue at extreme diseases ang mga seronegative na naturukan ng experimental vaccine.
Malinaw na ‘yan, may pag-amin. Dagdag pa riyan ang mga pahayag ng mga eksperto sa dengue vaccine sa ibayong dagat.
Malinaw na unang hakbang ito para sa katarungan, ang paghahabla ng Department of Justice kay dating Department of Health Sec. Janette Garin at 19 pang health at pharmaceutical officials.
Sana ay maidugtong na sina Noynoy Aquino at Butch Abad na alam na naman ng lahat na may kritikal na partisipasyon sa pagmamadaling pagkakabili at pag-iiniksiyon ng Dengvaxia sa higit sa 800,000 na mga mag-aaral at kabataan.
Kamakailan ay nagdesisyon na rin ang Food and Drug Administration (FDA) na i-revoke na ang certificate of product registra-tion na nauna nang inisyu sa nasabing kompanya ng FDA. Agree tayo riyan, 100%.
Hindi na puwedeng mag-import, magbenta at mag-distribute ng Dengvaxia. Salamat naman.
Sa totoo lang, malaking scam ang naunang claim ng Sanofi na ang Dengvaxia ay epektibo para sa mga batang nagkaroon na ng dengue, sa kadahilanang bakit pa ituturok ito sa mga batang nagkaroon na ng dengue kung magaling na ang mga ito?
“When a child survives a Dengue infection, that could only mean that his autoimmune system has ad-equately developed enough antibodies against it. Ergo, no more Dengue vaccination is needed,” pa-hayag ng isang observer.
Comments are closed.