THE people have spoken, and I bow to their will.”
Ito ang pahayag ni Senador Richard Gordon sa pag-concede sa 2022 senatorial race.
Sa inilabas na pahayag, binati ng senador ang mga kandidatong nakapasok sa “Magic 12.”
“I will forever desire victory and unity for our country and I pray that the Lord guide all our newly elected leaders as they endeavor to move our nation forward,” ani Gordon.
Nagpasalamat naman ang senador sa lahat ng mga nagparating ng suporta, sumamang magtrabaho at lumaban sa nakalipas na ilang buwan.
Sa nakalipas na 53 taon, isa aniyang karangalan na magsilbi sa taumbayan.
Base sa partial at unofficial tally ng Commission on Elections (Comelec) transparency server hanggang 6:31, Martes ng gabi (Mayo 10), nakakuha si Gordon ng 8,267,726 votes.