ILOCOS NORTE-NABAKUNAHAN si Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc at ang 14 alkalde nito na ginanap sa Governor Roque B. Abkan Sr. Memorial Hospital noong Biyernes ng umaga.
Sa ilalim ng Advisory No. 26 ng National Vaccination Operations Center na inaprobahan ng National IATF for the Management of Emerging Infectious Diseases, naunang binakunahan ang 4,000 medical healthcare workers gayundin ang local chief executives na nakatala sa COVID-19 critical or high-risk areas bilang priority vaccinees.
Ayon kay Gov. Manotoc, ang kagustuhan nitong mabakunahan ay upang ipakita ang kumpiyansa sa bakuna at magbigay-daan para maniwala din ang frontliners sa pagbabakuna sa kabila g pag-amin ng mga opisyal sa lalawigan na mayroong ibang health workers partikular sa mga pampublikong ospital na nagdadalawang-isip pa rin kung magpapabakuna.
Ayon sa mga health consultants ng probinsiya, nananatiling mababa ang kumpiyansa sa bakuna mula sa hanay ng healthcare workers.
Kabilang sa 14 alkalde na nagpabakuna ay mula sa mga bayan ng Sarrat, Pinili, Marcos, Nueva Era, Banna, Paoay, Currimao, Adams, Pagudpud, Bacarra, Piddig, Carasi, Laoag City, at sa Batac City.
Nauna nang nagpabakuna noong Abril 7 ang mga alkalde ng Dingras at Badoc habang ang alkalde ng
San Nicolas na pawang manggagamot din ay nagpabakuna noong pang Marso.
Kasabay nito, nananawagan ang provincial government sa pamahalaan na madaliin ang pagbili ng vaccine laban sa COVID-19 upang mabakunahan na ang iba pang opisyal na frontliners din. MHAR BASCO
956847 426162Paper rolls really fantastic read you know alot about this subject i see! 832526
391469 168719brilliantly insightful post. If only it was as simple to implement some of the solutions as it was to read and nod my head at each of your points 854677
739602 38310i was just surfing along and came upon your weblog. just wanted to say great job and this post really helped me. 186163
733804 740523You produced various very good points there. I did a search on the subject and located many people will have exactly the same opinion with your blog. 566040