INIHAYAG ng Metropolitan Development Authority (MMDA) na simula ngayong araw ay mahigpit nang ipinagbabawal na paggamit ng EDSA Bus Carousel o busway ang “clearly marked government vehicles”.
Ayon kay acting MMDA Chairman Romando Artes sa ginanap na press briefing, ang mga government vehicles ay “hindi kasama sa listahan.”
Aniya, inilabas ng Department of Transportation (DOTr) ang updated na listahan ng mga sasakyang pinapayagang dumaan sa EDSA Bus Carousel gaya ng mga bus na awtorisado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kabilang ang mga may dalang special permit; mga on-duty na ambulansya, fire trucks; police vehicles; service vehicles na kabilang sa pag-maintain ng busway.
Ayon sa DOTr, kasama rin sa updated na listahan ang mga convoy ng Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker at Chief Justice.
Maaring pagmultahin hanggang P30,000 ang mga nagmamaneho ng iba pang sasakyan na hindi nabanggit sa listahan at ma-revoke ang kanilang driver”s license. EVELYN GARCIA