GOVERNOR GENEROSO NILINDOL

lindol

DAVAO ORIENTAL –INUGA ng 3.2 na lindol ang bayan ng Governor Generoso.

Naitala ang pagyanig sa 178 kilometers Southeast sa bayan ng Governor Generoso, 4:44 noong Biyernes ng hapon.

May lalim na 49 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Samantala, alas-5:44 naman ng hapon naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa parehong bayan.

Ang epicenter ng lindol ay naitala naman sa 145 kilometers southeast ng Governor Generoso.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks. AIMEE ANOC

Comments are closed.