NAKATAKDANG magsagawa ng surprise inspection ang Civil Service Commission (CSC) sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Ito ay bilang tugon sa kahilingan na rin ng ilang mga kalihim ng ahensiya ng pamahalaan na layong personal na makita ang sitwasyon ng trabaho sa mga opisina nito.
Sa pamamagitan ng ipinadalang liham, sinabi ni CSC commissioner Atty. Aileen Lizada na nais ng ang ilang kalihim na isama ang mga pinamumunuang tanggapan sa listahan ng mga target daanan ng komisyon.
Aniya, naniniwala ang mga kalihim na malaking tulong ang hakbang na ito para mapaigting at mapabuti pa ang serbisyo ng mga ahensiya ng gobyerno sa publiko.
Nabatid na sa huling pag-iikot ng CSC, nadiskubre nito ang paglalaro ng mobile games ng ilang empleyado habang naka-duty at pagbebenta ng prangkisa ng isang tauhan ng Land Transportation Franchising and Rregulatory Board (LTFRB) sa halagang P700,000.
Comments are closed.