GOVT AGENCIES GAGAMIT NG SATELLITE DATA

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng access ang mga ahensiya ng pamahalaan sa satellite data upang magamit din sa agriculture, business at environmental protection.

Sa inaugural meeting sa Philippine Space Council (PSC), tampok sa pahayag ng Pangulo ang kahalagahan ng satellite mapping na maaaring magtaglay ng multiple applications.

Si Pangulong Marcos ang nagsisilbing chairperson sa PSC.

“The reason we are signing an MOU (Memorandum of Understanding) with the Space Council is so that we can do mapping because… as I was explaining to you earlier, in terms of green, in terms of bio assets, there is now a way to quantify your nice fisheries, your agricultural activity,” ayon kay Pangulong Marcos habang nasa Philippine Space Agency (PhilSA) conference room sa CyberOne Building, Eastwood, Quezon City.

“All of that. It is in terms of how much carbon you’re putting out into the air. But the beginning, the first step of that, will be to map,” giit ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na ang mga potential investor, halimbawa aniya ay carbon producers, ay kailangan na ibalanse ang kanilang aktibidad gamit ang mapping data para maka- develop ng bio-diverse area sa tukoy na lokasyon.

Gayunman, nagbilin din si Pangulong Marcos na dapat magsimula ang mappings sa buong bansa.

“So that’s why I was asking you that we have to make sure that the data we give [in] each different department is in a form that they can use,” ayon kay Marcos.

Pinayuhan din ng Pangulo ang Space Council na samantalahin at gamitin ang tie-up ng iba’t ibang ahensiya sa buong mundo na involved sa imaging na mapakikinabangan ng bansa.

Kasabay naman ng pulong ay ipinanukala ng PhilSA ang resolution na nagdedeklara sa National Space Week o Pambansang Linggo ng Kalawakan ‪mula Agosto 8‬ hanggang 14 simula sa susunod na taon.

Ang National Space Week, ay kasabay ng enactment ng Philippine Space Act noong Agosto 9, 2019, na naglalayon na isulong ang space awareness, magpapasulong ng benepisyo sa space at impact sa pamumuhay, habang isang mabuti at masayang kaganapan sa larangan ng space na magbibigay inspirasyon sa susunod na heneras­yon. EVELYN QUIROZ