GOV’T AGENCIES HINIMOK TUMULONG SA PAGLABAN SA CLIMATE CHANGE

NANAWAGAN  si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa mga inisyatibo nitong magsagawa ng mga hakbang upang tugunan ang suliranin sa climate change.

Si Belmonte ang napiling summit rapporteur at representative ng mga siyudad sa bansa sa opening plenary ng sixth United Nations Environment Assembly (UNEA-6) kamakailan sa Nairobi, Kenya na dinaluhan ng daan daang lokal na opisyal mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Tinalakay ni Belmonte sa kanyang mensahe ang mga concerns at isyu sa kalikasan sa UNEA, ang pinakamataas na decision-making body ng environment sa mundo.

Ipinagmalaki ni Belmonte ang Quezon City na isa sa nagsasagawa ng mga “impactful climate initiatives” sa tulong aniya ng iba’t ibang stakeholders.

“National governments should work closely with local governments to successfully scale these solutions up, thus benefiting more residents,”ang sabi ni Belmonte.

“United action at all levels of government and society is vital to achieving a green, sustainable, and livable future for all,”sabi nito.

“There is also a dire need for local authorities to have accessible financial resources and interventions to effectively implement environmental programs at the grassroots level, especially for those who belong to the most marginalized sector of the communities,” dagdag pa ni Belmonte.

Hindi lamang dapat aniya iasa sa lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng Multilateral Environmental Agreements (MEAs). Ang tagumpay nito ay nakasalalay sa pag-uugnayan at pagkakaisa sa lahat ng level ng pamahalaan, publiko, at collaboration sa mga organization at sa pribadong sektor.

Iginiit ni Belmonte na sana ay mabigyan din ng tamang plataporma ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan upang ito ay makatuwang ng UNEA sa pagbalangkas ng mga resolusyon nito at iba pang environmental initiatives. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia