Itinaas sa high alert ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng tanggapan ng gobyerno para sa pagresponde sa bagyong Marce.
Sinabi ng Pangulo na dapat tiyakin ng lahat ng ahensiya na makaaabot at maging maayos ang sistema ng komunikasyon sa komunidad.
“Sa mga ahensya ng pamahalaan, you all know the drill. I am placing you all in high alert,” pahayag ng Pangulo.