PINARANGALAN ang ilang ahensiya ng gobyerno dahil sa 99 percent electronic Freedom of Information (eFOI) performance rating ng mga ito.
Ang mga ahensiya na ginawaran ng parangal ay ang National Telecommunications Commission (NTC), Metro Manila Development Authority (MMDA), Bureau of Customs (BOC), Department of Foreign Affairs, National Housing Authority (NHA), Malacañang Records Office (MRO), Philippine Statistics Authority (PSA), National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), Department of Justice (DOJ) at ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang mismong nagpresenta ng eFOI awards kasabay nang pagpupugay sa pagsusumikap ng mga ahensiya ng pamahalaan, non-government organizations at mga tauhan nito dahil sa pagsusulong ng freedom of information at paglaban sa misinformation o mga maling impormasyon.
Ang mga nabanggit na ahensiya ay nakakuha ng 99% outstanding performance rate sa electronic freedom of information portal (eFOI).
Comments are closed.