GOV’T AGENCIES TUTUKAN ANG PAGPAPABABA NG INFLATION

gloria arroyo

IKINAGALAK ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang naitalang pagbaba sa inflation rate ng bansa, sa 5.1% nitong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon kung saan tinukoy niya ang pagbuti sa estado ng tinaguriang ‘domestic supply’ bilang malaking dahilan nito.

Subalit nananawagan pa rin si Arroyo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na gawin ang kani-kanilang tungkuling partikular ang epektibong pagpapatupad ng mga programa at proyektong ipinamamahala sa kanila para magpatuloy ang ina­asam na pag-dausdos ng inflation.

“It is good that inflation is on a downtrend.  In general, to the extent that so-called domestic supply side factors are involved, the government’s agencies must act quickly on the implementation side, to get the plans and programs going on the ground and produce results our people will feel in their day to day lives.” ani  Arroyo.

Ayon sa mambabatas, kailangang pagtuunan ngayon ng pansin ang implementasyon ng mga programang inilatag ng Duterte administration at dapat ay mabilis at epektibo ito saan mang panig.

Isa sa pinabibigyang kahalagahan ni Arroyo ay ang pagsusulong ng mga infrastructure program ng gobyerno, base sa “Build, Build, Build Program” na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We must produce tangible results all around during the second half of the President’s term.” giit ng kongresista. ROMER BUTUYAN

Comments are closed.