GOV’T DEBT PAYMENTS LUMAKI

HALOS dumoble ang binayarang utang ng pamahalaan noong nakaraang Abril, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa datos ng BTr, nagbayad ang gobyerno ng P53.8 billion na utang noong Abril, mas mataas ng 93 per-cent kumpara sa P27.846 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Mas malaki rin ito kumpara sa P42.801 billion na debt payments noong Marso.

Noong Abril 2019, ang pamahalaan ay nagbayad ng P23.5 billion sa interests pa lamang mula sa P23.172 billion year-on-year.

“Interest earned by treasury bills and bonds ate up P16.5 billon of government funds while foreign in-terest payments reached P7 billion,” sabi pa ng BTr.

Sa parehong datos ay lumitaw na ang pamahalaan ay nagbayad ng P30.3 billion na principal noong Abril 2019, halos apat na doble ng kahalintulad na buwan noong 2018  nang magbayad ang gobyerno ng P4.7 billion lamang.

“Payment for domestic loans incurred by the government and serviced by the Board Sinking Fund and Central Bank Board of Liquidators amounted to P25.9 billion.”

Ayon pa sa Treasury, hindi bababa sa P4.4 billion ang binayaran para sa principal ng foreign loans.

Mula Enero hanggang Abril 2019, ang gobyerno ay nagbayad ng kabuuang P274 billion na utang —P142.7 billion sa principal at P131.3 billion sa interests.

Comments are closed.