GOV’T EMPLOYEE BINARIL NG UTOL

binaril

ISABELA- NAULIT ang istorya nina  Abel at Cain matapos na mapatay ang isang kawani ng gobyerno nang tatlong beses barilin ng nakababatang kapatid sa bayan ng Jones.

Kinilala ng PNP Jones, ang biktima na si Damian Samut, 51, may asawa, isang government employee na nasawi kaagad, habang nakilala ang suspek na kapatid ng biktima na si Fredie Samut, 50, kapwa residente ng Barangay Dipangit,.

Isang tawag ang natanggap ng Jones Police Station mula kay Barangay Kagawad Eduardo Malicana na isang shooting incident ang naitala sa kanilang barangay.

Rumesponde ang awtoridad at nadatnan nila ang duguang bangkay ni Damian na may tatlong tama ng bala ng baril.

Sa pag-iimbestiga ng PNP Jones, nagkaroon umano ng pag-aaway ang magkapatid na nauwi sa pamamaril ng nakababatang kapatid ng biktima.

Maaari umanong nairita o kaya nabuwisit sa kanyang kuya, na pilit na iniiwasan ng kapatid ang kanyang kuya kaya umuwi ang pinaghihinalaan, ngunit sinundan pa rin ito at hinamon na labanan siya.

Dahil dito ay kinuha ng suspek ang kanyang baril at binaril ng tatlong beses ang kanyang kuya na naging sanhi nang agaran nitong kamatayan.

Kusa namang sumuko ang suspek at nasa kustodiya na ito ng PNP Jones. IRENE GONZALES

Comments are closed.