GOV’T FORCES  TINODO NA SA CAGAYAN

NDRRMC-2

TINODO na ng government forces ang nalalabi nilang puwersa na maaring ideploy sa hilagang bahagi ng Luzon kasunod ng utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin na ang lahat ng available asset ng gobyerno para saklolohan ang libo-libong residente na nabulaga sa naganap na flash flooding at landslide .

Sa ulat na National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nasa 67 bayan at siyudad na sakop ng Region 2 ang nakaranas ng malawakang pagbaha bukod pa sa serye ng mga landslide na kumitil na 19 katao habang may 20 pa ang inulat na nawawala .

Sa lakas ng ulang dala ng Bagyong Ulysses, gumuho ang bahagi ng Sitio Tueg sa Brgy. Bitag Grande sa Baggao, Cagayan madaling-araw ng Biyernes na kung saan ang nasabing bilang na namatay sa landslide ay mula sa Cagayan, Ifugao, at Nueva Vizcaya.

Ayon sa inisyal na datos ng NDRRMC, daang libong pamilya ang naapektuhan at kinailangan i-rescue nang biglang lumubog sa  baha ang 21 bayan at isang siyudad sa  Cagayan na nasa  143 brgys; 25 (3 Cities and 22 Mun. w/ 83 brgys ) sa Isabela ; 15 munisipalidad naman sa Nueva Vizcaya  na aabot sa  57 barangays, may 5 munisipyo o 25 barangays naman sa Quirino province.

Dahil dito, kinaila­ngan mag-deploy pa ng karagdagang puwersa Armed Forces of the Philippines (AFP),  Philippine National Police (PNP); Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pakikipag ugnayan sa local government units (LGUs) para marekober at ma-retrieved ang nasa 20 katao na naiulat na nawawala dahil sa bagyong Ulysses.

Pinadala ng Philippine Air Force (PAF)  ang kanilang C-130 cargo plane upang maghatid din ng mga rescue team at mga pangunahing tulong, bukod pa ito sa 5 teams ng PCG na binubuo ng 35 personnel na naka-deploy sa  Tuguegarao City, Cagayan at Tumauini,Isabela.

Nag-deploy din si  Coast Guard Commandant George Ursabia Jr. ng karagdagang  M35 truck, PCG hilux pick-up, 3 pang  rubber boats at nagsagawa rin ng aerial assessment and rescue operations ang PCG sa Tugegarao at Cagayan.

Kahapon ng umaga, lumipad pa-Norte ang CGH-1451 ng PCG gayundin ang ikalawa nitong airbus light twin engine helicopter na may tail number na CGH-1452 papuntang Isabela at Cagayan.

Tiniyak naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, na nakatutok ang may 6,869 PNP personnel na itinalaga para sa search and rescue operations habang nasa 11,410 search and rescue personnel ang naka-standby para sa posibleng deployment at focused PNP operations. VERLIN RUIZ

Comments are closed.