GOV’T HIHIRIT NG ELECTION BAN EXEMPTION: INFRA PROJECTS TULOY

INFRA PROJECTS

HINILING ng mga economic manager ng administrasyong Duterte sa  Commission on Elections (Comelec) na i-exempt ang 145 locally-funded projects mula sa government spending ban sa panahon ng eleksiyon.

Mula Marso 29 hanggang May 12 ay ipatutupad ang pagbabawal sa public works at paglalabas ng public funds alinsunod sa alintuntunin sa election code.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, isinumite na ng economic team na binubuo niya at nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia sa poll body ang kahilingan na i-exempt ang pinakamahahalagang proyektong pang-imprastraktura mula sa election ban.

“The list includes 145 programs and projects of which 59 are being implemented by national government agencies, 82 by government corporations, three by constitutional fiscal autonomy group (CFAG), and one by ARMM (Autonomous Region in Muslim Minda­nao),” wika ni Diokno.

Sa liham ng mga economic manager kay Comelec Chairman Sheriff M. Abas ay inisa-isa ang mga proyeko na nais ng pamahalaan na mag-exempt sa election spending ban.

“In view of the ‘Build, Build, Build’ agenda of the Duterte Administration designed to usher the envisioned ‘Golden Age of Infrastructure’, the Government has committed to increase public spending on infrastructure from 4.4 percent of the GDP in 2017 to at least 6.9 percent by 2022,” nakasaad sa liham.

“In order to ensure timely implementation of the priority infrastructure projects, the economic team of the administration is respectfully requesting the commission for an exemption of the priority infrastructure projects from the election ban,” dagdag pa nito.

Sa pagtaya ni Diokno ay aabot sa P500 billion ang ha­laga ng proyekto na nakapaloob sa ‘Build, Build, Build’ program ng gobyerno.

Kabilang sa mga proyektong ito ay matatagpuan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nagsumite rin ang economic team ng talaan ng 384 ongoing foreign-assisted programs at projects na ipinatutupad ng national government agencies na ipinalalagay na exempted sa election ban.

Binigyang-diin ng Budget chief ang pangangailangan na i-exempt ang big-ticket projects sa spending ban dahil ang pagkakaantala ng pagpasa sa panukalang P3.757-trillion budget ngayong taon ay magkakaroon ng P50-billion impact sa mga proyektong pang-imprastraktura sa first quarter.

Comments are closed.