GOV’T HINIMOK NG HEALTH EXPERT: VACCINATION PAIGTINGIN

MULING hinimok ng isang health expert ang gobyerno na paigtingin ang programa ng pagbabakuna laban sa Covid-19.

Sa isang Facebook post ni dating former special adviser of the National Task Force (NTF) against Covid-19 Dr. Anthony Leachon, sinabi niyang dapat muling bisitahin ng bansa ang mga plano nito at pabilisin ang pagbabakuna sa Covid-19 at booster programs.

Ipinunto ni Leachon ang pagbabakuna ay may mahalagang papel sa pagtiyak ng kaligtasan laban sa sakit.

“The government should step up the vaccination and booster programs [in the Philippines]. We have seen surges in Europe, China, South Korea, Hong Kong [and other territories abroad]. Remember the full vaccination is three doses according to the [Centers for Disease Control and Prevention] (CDC),” pahayag ni Leachon.

Ipinapakita sa mga pag-aaral na ang pagbaba ng immunity sa sakit ay maaaring mangyari apat na buwan pagkatapos ng pagbakuna, maaaring magdulot ng posibleng pagtaas ng mga impeksiyon.