MAAARI nang makapag-avail ng mga insentibo mula sa pamahalaan ang lahat ng Filipino micro business owners.
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing ang Department of Trade and Industry (DTI), sa pamamagitan ng Barangay Micro Business Enterprises Act na mas kilala sa tawag na Republic Act No. 9178, ay magkakaloob ng mga benepisyo sa mga rehistradong BMBEs, kabilang na ang exemption sa pagbabayad ng income tax mula sa kinita sa operasyon ng negosyo.
Kabilang din sa insentibo ang exemption sa coverage ng minimum wage laws at special credit windows mula sa mga government financing institution na magbibigay serbisyo sa mga pinansiyal na pangangailangan ng BMBEs.
Kaugnay nito ay hinihikayat ng DTI ang mga kinauukulan na magparehistro ng kanilang mga negosyo upang makapag-avail ng nabanggit na mga benepisyo mula sa gobyerno.
Sa pagtatapos ng Abril 30, 2018 ay may kabuuang 28,531 micro enterprises ang nairehistro sa ilalim ng BMBEs. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.