GOV’T INFRA SPENDING LUMOBO

TUMAAS ang government spending kung saan ang disbursements para sa Abril 2018 ay umabot sa P261.2 bilyon bunsod na rin ng pinalakas na Infrastructure and Other Capital Outlays.

Base sa datos ng Department of Budget and Management (DBM), lumobo ang infrastructure spending ng 95.9 percent sa P65.6 billion mula sa P33.5 billion na naitala noong Abril 2017 sa likod ng iba’t ibang road construction projects na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa ‘Build Build Build’ program ng pamahalaan.

Aabot sa halos P1.03 trillion ang total government spending para sa unang apat na buwan ng taon na katumbas ng 29 porsiyentong year-on-year increase.

“We are keeping our foot on the gas pedal with regards to government spending,” paha­yag ni DBM Secretary Benjamin E. Diokno.

Paliwanag ni Diokno, pananatilihin ng gobyerno ang positive momentum para sa mga nalalabing buwan ng taon at inaasahang mawawakasan ang  underspending.

Ang Infrastructure and Other Capital spending ay tumaas ng 96 percent  noong Abril dulot na rin ng mga road infrastructure project ng DPWH na kinabibilangan ng: 1) improvement, upgrading and widening of roads and bridges; 2) construction and improvement of access roads leading to declared tourism destinations under the Program Convergence Budgeting; 3) construction of flood control/mitigation structures and drainage systems; 4) preventive maintenance projects; at 5) payment of Right-of-Way claims.

Samantala, ang capital outlay projects ng state universities and colleges (SUCs), partikular ang mga pagbili ng laboratory and Information Technology (IT) equipment, konstruksiyon ng academic buildings and facilities sa University of the Philippines (UP) System,  konstruksiyon ng mga police station at pagbili ng mga kagamitan sa ilalim ng Capability Enhacement Program ng Department of the Interior and Local Government-Philippine National Police (DILG-PNP) ang may pinakamalaking kontribusyon sa mas mataas na infrastructure spending.

Ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ay pumalo sa  P33.4 bilyon na katumbas ng 33 porsiyentong pagtaas year-on-year sa operating requirements ng  public schools sa buong bansa, gayundin ang pagtustos sa matrikula ng student beneficiaries sa ilalim ng Higher Education Support Fund at pagpapalabas ng mga allo­wance at benepisyo sa iba’t ibang scho­larship assistance, grants, at incentives na itinatakda ng Commission on Higher Education (CHED). EVELYN QUIROZ

Comments are closed.