BAHAGYANG tumaas ang paggasta ng gobyerno sa unang limang buwan ng taon, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Pumalo ang infrastructure and capital outlays sa P80.5 billion noong Mayo, tumaas ng 2.1% mula sa P78.9 billion noong nakaraang taon.
Sinabi ng DBM na ang pagtaas sa constructive receipts of cash (CRC) payments ng Department of Transportation (DOTr) para sa Malolos-Clark Railway Project at first phase ng Metro Manila Subway Project ay kabilang sa mga salik na nagpagaan sa kaunting disbursements mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa panahon ng 45-day election spending ban.
Gayunman, ang monthly tally ay naghatid sa total disbursements para sa infrastructure mula Enero hanggang Mayo sa 334.6 billion, mas mataas ng 0.7% kumpara sa P334.6 billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.
Nauna nang sinabi ng DBM na maaaring bumagal ang paggasta sa Mayo dahil sa ipinatupad na public works ban.
Year-to-date, ang national government disbursements ay umabot sa P1.89 trillion noong Mayo, mas mataas ng 4.7% kumpara noong 2021.
Mula Enero hanggang Abril, ang overall expenditure ng pamahalaan ay pumalo sa P1.44 trillion o tumaas ng 6.6% mula sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
“[D]isbursements for June 2022 are expected to rebound from the slight contraction recorded in May as the prohibition on public works and certain type of disbursements during the election period has ended,” ayon pa sa DBM.
Tinukoy ang preliminary report gamit ang datos sa negotiated checks, sinabi ng ahensiya na maaaring tumaas ang paggasta ng hindi bababa sa 20% annually noong nakaraang buwan dahil sa paglalabas ng subsidiya, mas mataas na National Tax Allotment, at mas mabilis na pagpapalabas ng outlay releases.