GOV’T NAKAKOLEKTA NG P801-B SA FUEL MARKING

MAHIGIT sa P800 billion na ang nakolekta ng pamahalaan mula sa fuel-marking program nito, ayon sa datos na inilabas ng Bureau of Customs (BOC).

Sinabi ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio na ang revenues mula sa fuel-marking program ay umabot sa P801.55 billion, na katumbas ng 70.48 bilyong litro ng marked fuel products.

Sa kabuuang halaga, P771.74 na excise tax ang nakolekta ng BOC mula September 2019 hanggang Nov. 30, 2023.

Samantala, nakakolekta naman ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P29.81 billion mula December 2019 hanggang Oct. 28, 2021.

Ang fuel marking ay ang paglalagay ng chemical identifiers sa tax-paid oil products makaraang mabayaran ang buwis sa refined at imported gasoline, diesel, at kerosene.

Ang fuel marking ay minamandato sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) bilang hakbang laban sa smuggling ng petroleum products.

Samantala, sinabi ni Rubio na inaasahang makakakolekta ang  BOC ng PHP49 million mula sa auction o pagsubasta sa apat na seized luxury cars.

“We have in our auction plan, one in Davao scheduled (for) Dec. 4, 2023. Projected revenue based on floor price is about PHP49 million,” aniya.

“We always have scheduled auctions. But in terms of luxury vehicles and even seized cargoes, like ordinary cases, claimants have the right to due process. They are given time to prove (the) legality of shipments. Even if in our level we already have finality, they have the right to appeal and it can go as high as in courts.”

(PNA)