(Gov’t services sarado muna) 5 BRGY HALLS NI-LOCKDOWN

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa pamahalaang lokal ng Navotas, posibleng isara na muna ang mga tanggapan at government services.

Nabatid na 5 sa 18 barangay halls na kinabibilangan ng San Jose, Bangkulasi, San Rafael Village, North Bay Boulevard North, at North Bay Boulevard South-Proper ang pansamantalang naka-lockdown para disinfection upang mapigilan ang pagkalat ng virus matapos ilan sa kanilang mga em­pleyado ang nagpositibo sa COVID-19.

“Our barangay official and employees underwent swab test from March 13-19. Among those tested, 142 turned out positive, forcing us to close some barangay halls,” ani Ma­yor Toby Tiangco.

“Because of the lockdowns, services of the barangays have been affected. There were fewer tanods to

patrol alleys and streets, or garbage collectors to pick up wastes,” aniya.
“Even our city hall and the out-patient department of the Navotas City Hospital had to close down for two weeks due to COVID cases. If this continues, we will soon face the difficulty of providing basic services to our constituents,”dagdag pa nito.

Kaya’t ang panawagan sa publiko na sundin ang mga safety protocol tulad ng wastong pagsusuot ng face mask at face Shield, 1-2 meter social distancing, paghuhugas ng kamay at pananatili sa bahay hangga’t maaari.

“We have confirmed cases of the more transmissible COVID variants – B117 or the UK variant and B1351 or the South African variant. We must double our efforts to keep ourselves and our loved ones safe from the di­sease,” paalala nito.

As of March 25, nagtala ang lungsod ng 239 bagong kaso ng CO­VID-19 kaya’t umakyat na ito sa kabuuang 7,861. VICK TANES

One thought on “(Gov’t services sarado muna) 5 BRGY HALLS NI-LOCKDOWN”

Comments are closed.