GOV’T SUBSIDIES LUMAKI, P32.470-B NOONG HULYO

UMABOT ang subsidiya ng pamahalaan para sa buwan ng Hulyo sa P32.470 billion, mas mataas ng 92.5 porsiyento sa P16.867 billion na isinagawa sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa  Bureau of the Treasury (BTr).

Sa datos ng BTr, ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang may pinakamalaking natanggap na subsidiya para sa natu­rang buwan sa P27.687 billion, mas mataas ng 83.1 percent sa P15.114 billion na inilaan sa nasabing ahensiya sa kaha­lintulad na buwan noong 2017.

Ang Land Bank of the Philippines (LandBank)  ang second highest recipient ng subsidiya para sa buwan na umabot sa P2 billion. Ang bangko ang humahawak sa conditional at unconditional cash transfers na ipinagkakaloob ng gobyerno sa iba’t ibang sektor tulad ng Pantawid Pasada Program para sa jeepney operators at iba pa.

Ang third biggest subsidy recipient ay ang National Irrigation Administration (NIA) na tumang­gap ng P1.999 billion, mas mataas ng 104.3 percent mula sa P978 million noong 2017.

“Other agencies that received subsidies for the month below the billion mark are the Light Rail Transit Authority with P6 million; the Philippine National Railways with P23 million; the Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority with P5 million; the Cultural Center of the Philippines with P24 million; the Credit Information Corporation with P13 million; the Center for International Trade Expositions and Missions with P52 million; the Lung Center of the Philippines with P20 million; the National Kidney and Transplant Institute with P49 million; the Philippine coconut Authority with P275 million; and the Philippine Children’s Medical Center with P109 million,” ayon sa BTr.

Kabilang din sa talaan ang Philippine Fisheries Development Authority na may P20 million; Philippine Heart Center, P72 million; Philippine Rice Research Institute (Philrice), P41 million; Philippine Sugar Corporation, P32 million;  Philippine Institute for Development Studies, P11 million; Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care, P18 million; People’s Television Network Inc., P6 million; Southern Philippines Development Authority,  P4 million; at Zamboanga City Special Economic Zone Authority na may P4 million.

Ang kabuuhang subsidiya na ipinagkaloob ng pamahalaan sa unang pitong buwan ng taon ay nasa P100.214 billion, mas mataas ng 33.4 percent kumpara sa P75.086 billion noong Enero-Hulyo  2017.           REA CU

Comments are closed.