UMABOT sa P5.03 billion ang government subsidies para sa buwan ng Agosto, kung saan ang National Irrigation Administration (NIA) ang tumanggap ng pinakamalaking subsidiya para sa buwan, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Sa pinakabagong datos ng BTr, ang P5.0367-B na subdisiya ng pamahalaan para sa Agosto ngayong taon ay bumaba ng 17.2 percent mula sa P6.085 billion na naitala sa kaparehong buwan noong 2017.
Ang NIA ay tumanggap ng P2.392 billion, mas mababa ng 15.1 percent kumpara sa P2.818 billion noong 2017.
Ang second biggest recipient ng subsidiya para sa buwan ay ang Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) na may P2 billion.
Ang iba pang government-owned and -controlled corporations (GOCCs) na tumanggap ng subsidiya para sa buwan ay ang Philippine Coconut Authority (PCA) na may P233 million; Philippine Heart Center, P72 million; Philippine Children’s Medical Center, 65 million; at Philippine Rice Research Institute na may P51 million.
Nasa talaan din ang National Kidney Transplant Institute na may P49 million; Lung Center of the Philippines, P41 million; Philippine Sugar Corporation, P32 million; Philippine National Railway, P29 million; Cultural Center of the Philippines, P26 million; Philippine Institute for Development Studies, P11 million; at Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care na may P10 million. REA CU