GOV’T SUBSIDIES SA AGRIBUSINESS BUMABA

PSA

SA KABILA ng pagsisikap na itulak ang paglago ng sektor ng agrikultura, ang suporta ng pamahalaan para sa agribusinesses ng bansa ay bumaba ng 35 percent noong 2016, ayon sa report na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Base sa preliminary results ng 2016 Annual Survey of Philippine Business and Industry (ASPBI) for the Agriculture, Forestry and Fishing Sector with Total Employment (TE) of 20 and Over, ang mga subsidiya na ipinagkaloob sa agribusinesses ay bumaba ng P2 billion noong 2016 mula sa P3.1 billion noong 2015.

Ito ang pinakamababang suporta na ibinigay ng gob­yerno sa industriya magmula noong 2010 nang magkaloob ito ng subsidiya na  P622.8 million lamang. Ang pinakamalaking subsidiya na ipinagkaloob sa sektor ay P6.3 billion noong 2013.

“Subsidies are all special grants in the form of financial assistance or tax exemption or tax privilege given by the government to aid and develop an industry,” paliwanag ng PSA.

“Out of the eight major industry groupings for the sector, only three were recipients of subsidies in 2016,” ayon pa sa datos.

Ang mga ito ay ang support activities sa agriculture at post-harvest crop activities na may P1.9 billion o 96.6 percent ng total grants na ipinagkaloob sa sektor.   CAI ORDINARIO

Comments are closed.