GOV’T SUBSIDY SA GOCCs LUMIIT

Bureau of the Treasury-2

INIULAT ng national government (NG) ang kabuuang P2.769 billion na subsidiya para sa Pebrero ngayong taon, kung saan ang National Irrigation Administration (NIA) ang tumanggap ng pinakamalaki sa P1.746 billion, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa pinakabagong datos mula sa BTr, ang subsidiya ng gobyerno na P2.769 billion ay bumaba ng 69.65 percent mula sa P9.126 billion na naitala sa kaparehong buwan noong 2018.

Ang tinanggap ng NIA ay mas mababa ng 60.95 percent kumpara sa P4.472 billion na ipinagkaloob sa ahensiya noong February 2018.

Ang second highest recipient ng subsidiya para sa Pebrero ay ang Small Business Corporation (SBC) na may P208 million, sumusunod ang Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) na may P205 million, Philippine Coconut Authority (PCA) na may P193 million, at ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) na may P112 million.

Ang iba pang ahensiya na tumanggap ng subsidiya para sa natu­rang buwan ay ang Philippine Heart Center (PHC)  na may P94 million; National Kidney and Transplant Institute (NKTI), P50 million; Philippine Rice Research Institute (Philrice), P49 million; Cultural Center of the Philippines (CCP), P24 million; Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), P22 million; Lung Center of the Philippines (LCP), P17 million; at ang Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na may P11 million.

Pinagkalooban din ng subsidiya ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa ha­lagang P9 million; Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) at People’s Television Network Inc. (PTNI) na may tig-P6; at ang Light Rail Transit Administration (LRTA) na may P5 million.

Tumanggap naman ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport (APECO), Southern Philippines Development Authority (SPDA), at ang  Zamboanga City Special Economic Zone Authority (ZCSEZA) ng tig-4 million subsidy.

“A subsidy given the by the government to government-owned and -controlled corporations (GOCCs), aim to help the agencies in line with the reduction of its expenses as it supports the growth of differ-ent sectors,” ayon pa sa BTr. REA CU

Comments are closed.