GOV’T TRANSACTIONS PARA SA GERMAN BIZ PADADALIIN

INILUNSAD ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at ng German-Philippine Chamber of Commerce of Industry (GPCCI) ang isang portal na magpapadali sa government transactions para sa German firms na nais magnegosyo sa bansa.

Sa pamamagitan ng German-Philippines Business Action Portal (GBAP), padadaliin ng platform ang business transactions, mangangalap ng feedback at tutugunan ang mga alalahanin na may kaugnayan sa government services sa German businesses na nag-ooperate na o nais mag-invest sa bansa.

Ang GBAP ay resulta ng memorandum of understanding na nilagdaan sa pagitan ng ARTA at ng GPCCI noong November 2023.

“This innovative portal marks a major advancement in digitalizing our country’s business operations and improving efficiency. We extend our gratitude to GPCCI for their invaluable partnership and we believe this initiative will set a new benchmark for public-private cooperation in enhancing business efficiency,” sabi ni ARTA Director General Ernesto Perez.

Available sa English at German, layon ng portal na mapaghusay ang transparency, efficiency at overall business operations ng German businesses sa bansa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa public sector.

“The German-Philippine Business Action Portal underscores our dedication to promoting a business-friendly environment that benefits both the private sector and government agencies. We are proud to initiate this platform, setting a precedent for other ARTA champions,” ani GPCCI president Marie Antoniette Mariano.

Kumpiyansa rin si deputy head of mission Mathias Kruse ng German Embassy na ang GBAP ay magsisilbing ‘catalyst’ para mapagbuti ang investment climate ng Pilipinas at mapalakas ang pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa.