GOWIFI PINALAWAK SA 2,000 SITES SA BUONG BANSA

GOWIFI

BILANG suporta sa pagpapaunlad sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng  access sa user-friendly at cost-effective internet connectivity sa mas mara­ming Filipino, inanunsiyo ng Globe Telecom ang pagpapalawak ng GoWiFi services nito sa mas marami pang lugar sa buong bansa.

Hanggang noong Marso 2019, ang GoWiFi  ay accessible na sa 2,000 sites sa buong bansa, mas mataas ng 500 sites mula noong nakaraang taon. Katumbas ito ng 20,000 access points mula sa 15,000 noong 2018 at may 18 million sessions kada buwan.

Kabilang sa mga expansion area na masasakop ng GoWiFi sa loob ng taon ay mula sa health at educational institutions hang-gang sa ilan sa pinakamalalaking retail establishments. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: Clinics/Hospitals – VRP Medical Cen-ter sa EDSA, Mandaluyong City; QualiMed (select branches); at Healthserv sa Los Baños, Laguna; Colleges/Universities – Emilio Aguinaldo College, St. Paul University, Cebu Doctors University; Malls/Supermarkets/Convenience Stores- Araneta Center sa Cubao, lahat ng sangay ng Robinsons Supermarket, Robinsons Department Store (select branches), Puregold (select branches) at Shopwise (select branches).

Ang ilan sa mga existing areas na sakop na ng GoWiFi ay ang Ayala Malls, Megaworld Malls, SM Supermalls, Robinsons Malls, Ortigas & Company, at Starbucks. Ang GoWiFi services ay available din sa major transport points tulad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) stations.

Sa kasalukuyan, ang GoWiFi users ay maaaring pumili sa pagitan ng Go­WiFi (free service) at Go­WiFi Auto (paid service). Ang dalawang services na ito ay available sa lahat ng users na may anumang WiFi-enabled device (smartphones, tablets, at laptops) at select international numbers anuman ang network service provider at maging ang international numbers. Sa pag-subscribe sa GoWiFi, ang mga user ay makararanas ng connection speeds ng hanggang 100 Mbps depende sa lokasyon.

Para makakonekta sa GoWiFi,  buksan lamang ang WiFi settings ng device, kumonekta sa  SSID “@FreeGoWiFi” o <partner’s name>_FreeGoWiFi, mag-register at hintayin ang SMS verification code, pagkatapos ay pumili sa WiFi offers at simulan ang surf-ing.

Maaari ring i-extend ang browsing ng lagpas sa free allocation na ipinagkaloob ng GoWiFi sa pag-subscribe sa GoWiFi Auto. I-click ang  @GoWiFi_Auto hotspot at ipasok ang mobile number. Makatatanggap ng SMS na nagtataglay ng code para maberipika ang identity; ilagay ang code, i-click ang “GO”, at piliin ang WiFi package depende sa mobile network; kumpirmahin ang  GoWiFi Auto package purchase, at handa nang i-browse ang internet.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang www.globe.com.ph/gowifi.

Comments are closed.