GOYO AT GOMA NAGKAISA PARA SUPORTAHAN ANG BBM-SARA UNITEAM

BAGAMA’T magkalaban sa pagka- congressman ng 4th District ng Leyte sina Ormoc City Mayor Richard ‘Goma’ Gomez at dating Comelec Commissioner Gregorio ‘Goyo’ Larrazabal, ay nagkaisa naman sila sa desisyon na suportahan ang tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at running mate na si Inday Sara Duterte.

Dahil dito lalong lumakas ang panawagan ng pagkakaisa nina BBM at Inday Sara na ngayon ay umaabot na sa ibat-ibang probinsya at mga bayan at lungsod sa bansa.

Unang kinausap ni Marcos ang grupo ni Gomez at ang kanyang maybahay na si Cong. Lucy Torres-Gomez sa Covered Court, City Plaza, Ormoc City at sa harap ng libo-libong supporters ay nakuha niya ang pangakong suporta mula sa kanila.

Ayon kay Goma ay ipagpapatuloy niya ang mga magandang programa ng Ormoc City kasama ang magiging presidente ng Pilipinas na si Marcos.

“Ipagpapatuloy natin ang mga magagandang programa dito sa Ormoc City at sa 4th District, gaganda pa at mangyayari lahat ng ito kung susuportahan at makakasama natin ang ating susunod na presidente Bongbong Marcos,” ayon kay Goma.

Sinabi naman ni Cong. Lucy Torres-Gomez na ngayon ay tumatakbong alkalde ng lungsod na sa panahong ng krisis isang tao ang tumayo at hindi lang basta plano, plataporma at pag-unlad ang inalok kundi ang pagkakaisa para sa bayan.

“At a time that the world is wounded and weary, here is a man, who is a poster boy for unity, he offers not just plano, platforms but healing and unity, moving forward,” sabi ni Torres.

Dagdag pa ni Cong. Torres na sa panahon ng eleksiyon palaging ang boses ng tao ang mananaig, aniya ang pagkapresidente ay gawa ng Diyos at tadhana.

“Sa ganitong init ng eleksyon, lagi kong sinasabi na, it is always the voice of the people that will prevail, so ngayon darating na halalan sipagan natin para sa ating kandidato hindi natin kailangan makipag-away,” ani Torres-Gomez.

“Back to the matter of presidency, like I always say, it is an act of God, the presidency is destiny and if it is God’s will for this man to be our next president, I hope that he is one of the best that we ever had in this country,” dagdag pa ng congresswoman.

Matapos ang rally, pumunta naman ang dating senador sa El Commedor Restaurant sa Hotel Don Felipe para kausapin ang grupo ni Larrazabal.

Sa naturang programa sinabi ni Larrazabal na susuportahan din niya ang kandidatura ni Marcos.
Dinaluhan ang pagpupulong ng mga lider ng iba’t-ibang sektor, namataan din ang mga ibang lokal na opisyal mula sa mga mayor hanggang sa mga kapitan ng barangay.

“We, I, my family, the leaders of the district, the mayors, vice mayors councilors and barangay captains are giving our support and commitment to Leyte’s true son, our president Bongbong Marcos,” sabi ni Larrazabal.

Kapwa naman nagpasalamat ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas sa dalawang grupo sa kanilang suporta at mainit na pagtanggap sa kanilang panawagan na pagkakaisa ng BBM-Sara UniTeam.