GPTA KABITE FED, SUPORTADO SI INDAY SA PAGKA-BISE PRESIDENTE NG BANSA

GPTA KABITE FED

LALONG tumibay ang kasiguraduhan ni presidential daughter at Vice President aspirant Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa darating na eleksyon sa Mayo nang magpahayag ng suporta ang malaking grupong General Parent-Teacher Association – Kabite Federation (GPTA-Kabite Fed) kamakailan.

Sa isang pagsasalo-salo ng mga opisyales ng GPTA-Kabite Fed, nagpakita ito ng mainit na suporta kay Sara Duterte na ayon sa mga ito ay tiwala sa kakahayahan na matulungan ang bansa, partikular na ang mamamayan sa edukasyon at kalinga.

Ang GPTA-Kabite ay binubuo ng mga PTA officers mula sa 18 munisipalidad tulad ng Naic, Alfonso, Ternate at Amadeo. Kung saan naki-isa din ang General Trias City.

Sa Isang text message, nagpasalamat naman ang anak ng Presidente. Ayon kay Mayor Duterte, bukod sa kanyang taos-puso na pagpapasalamat, umaasa din ang mga ito na hindi-hindi bibiguin sa binigay na suporta.

Dahil dito, lalong tumibay ang katayuan ni Duterte na tuloy-tuloy na nangunguna sa mga surveys na lumabas mula ng mag-umpisa ang kampanya.