NANAWAGAN kamakailan ang ride-hailing company na Grab Philippines sa Philippine Competition Commission (PCC) na isama sa kanilang pagrerepaso ang taxi at iba pang klase ng sasakyang pampubliko sa “ride-hailing competitive market.”
Sinabi ni Marikina Rep. Stella Quimbo na patuloy na imamanipula ng Grab ang ride-hailing market kapag hindi pinayagan ng transport authorities ang pagpasok ng motorcycle taxi operators.
Sa isang pahayag, sinabi ng Grab na ang pahayag ni Quimbo ay nagsiwalat na ang on-demand at platform-based motorcycle taxis ay “effectively competing” sa Grab, at ang pag-aalis sa motorcycle taxis ay maglilimita sa mga konsyumer ng pagpili na sasakyan.
“It is in the same spirit that we respectfully seek the PCC to review the basis for defining the competitive market in which ride-hailing services operate,” pahayag ng Grab.
Sinabi pa nila na ang ride-hailing competitive market ay puwedeng palawakin at isama ang street-hailing transportation tulad ng taxi.
“Right now, what we hope for is to review the basis for defining the competitive market and that would include motorcycle taxis and taxis as well,” sabi pa ng Grab.
Sinabi pa nila na ang voluntary commitments (VC) na ginawa ng Grab sa PCC para mapabuti ang kalidad ng serbisyo, pricing at transparency kasunod ng pagkuha nila ng kakompetensiyang Uber, ay “ibang-iba ” sa kanilang panawagan na repasuhin ang ibig sabihin ng ride-hailing market.
“We cannot right away apply for release from VCs because there are certain market share thresholds that will have to be met per player before we can apply for release. That’s why we need the PCC to clarify the definition of competitive market,” sabi ng Grab.
Nauna rito, sinabi ni PCC Commissioner Johannes Bernabe na puwedeng ma-release ang Grab sa kanilang VCs kung mapatunayan ng kompanya na ang kanilang serbisyo ay tamang mapalitan ng motorcycle taxis at ang kapalit o kakompetensiya ay nakakuha ng certain percentage o bahagi sa merkado.
Dagdag pa niya na kapag naitayo na ang motorcycle taxis bilang public utility vehicle, patutunayan ng Grab kung ang four-wheeled vehicles tulad ng Grab ay puwedeng palitan ng dalawang gulong na sasa-kyan tulad ng motorcycle taxis. PNA