GRAB NAGBIGAY NG P70-M TULONG SA MGA DRIVER

GRAB

INIHAYAG kamakailan ng isang opisyal ng ride-sharing firm ng Grab Philippines na nagbigay ang kompanya sa mga driver ng halos PHP70 million na tulong sa nakaraang dalawang linggo sa gitna ng limitadong supply ng kanilang transportation network vehicle services (TNVS) units.

Ang programang pagtulong na sinimulan ng kompanya noong Hun­yo 19, ay naglalayon na masiguro ang patuloy na kita para sa kanilang mga driver habang sinisikap na matugunan ang demand ng kanilang pasahero.

“We have provided around PHP70 million for over two weeks. Almost lahat affected and they will be given subsidies,” pahayag ng Grab Philippines country head Brian Cu sa isang panayam sa okasyon ng paglulunsad ng kanilang Smart City initiative sa Makati City.

“The reason why we shifted to subsidies from incentives is that we saw that a lot of drivers who are driving part-time do not hit incentives anyway. May trips na nalu­lugi sila. Ang kita ng mga driver ay bumaba mula ng suspendihin  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang PHP2-per-minute travel charge noong Abril.

Ang subsidiya ay paniniguro ng tulong sa mga driver na nasa mas malawak na basehan. “Rather than a few getting a lot, there are now a lot getting enough,” dagdag niya.

Sa ideyal na usapan, ang TNVS drivers ay dapat kumikita ng PHP5.50 per minute o PHP330 bawat oras, ayon sa ride-hailing firm.

Tinitingnan na mag­laan pa ng higit sa PHP100 milyon buwan-buwan para sa tulong sa pasahe na ibabase nila sa tagal ng riding hours ng pasahero at masi­guro na makakakuha ang driver ng ideal fare rate na computed sa kanilang system.

Nais din ng ride-hailing firm na lumipat ang nasa 6,000 drivers sa kanilang platform, na nawalan ng trabaho nang huminto ang kanilang karibal na Uber.

Nagkakaroon ng Grab ng halos 600,000 bookings nationwide bawat araw, nadadagdagan pa ng 800,000 lalo  na ‘pag peak hours, habang ang supply ng TNVS sa kanilang  platform ay nananatiling 33,000.

Samantala, plano ng kompanya na magsagawa ng multimodal transportation system, kung saan ang kanilang TNVS units ay puwedeng isama sa ibang modes ng public transportation. Ito ay makapagbibigay sa mga mananakay na makapili ng kanilang sasakyan sa kanilang pupuntahan.

“The idea for us here in the Philippines is to take away cars traveling along congested roads and move them into higher capacity vehicles, like shuttles and buses,” sabi ni Cu.

Sinabi pa ng Grab official na ang kompanya ay nakikipag-ugnayan sa transport regulators para makapagbigay sila ng free hand sa pag-franchise ng shuttles at iba pang modes of transportation.

“We are now meeting with P2P bus operators to see how we can use them as mid-mile while we provide the first and last mile form of transportation, either by cars or trikes,” sabi niya.

Inaasahan ng Grab na ang inisyatibo nilang ito ay makatutulong sa pang-eengganyo sa mga mananakay na gumamit ng public transportation para makagaan sa trapik sa Metro Manila.      PNA

Comments are closed.