INANUNSIYO ng Grab Philippines kamakailan ang paparating na bagong mobile application na magbibigay sa users na makapag-book ng salon services sa bahay, magpadala ng packages, regalo sa buong bansa, manood ng videos on de-mand, makapag-book ng hotel rooms, bumili ng tickets para sa point-to-point provincial buses, at magbayad online at sa mga tindahan gamit ang kanilang mobile phones.
Sa pahayag ni Brian Cu, country head of Grab Philippines, na ang Grab, bilang nangungunang “super app,” ay naglalayon na ipagpatuloy ang kanilang inobasyon,, paggamit ng “technology for good” at baguhin ang kalidad ng buhay sa pamamagitan ng transportation, logistics, at lifestyle services.
“Grab has introduced a bunch of new services, and existing services have in fact grown multiple folds since we did this earlier this year. So, we’d like to share those updates with you and really tell you the story of how Grab has grown into your everyday ‘Super App’ here in Southeast Asia,” sabi ni Cu sa isang panayam sa media townhall sa Makati City.
Sa pakikipag-partner sa Toni & Guy, isang international chain ng hairdressing salons, at L’Oreal, isang global leader sa beauty products, dadalhin ng Grab ang hair salon services mismo sa pintuan ng gagamit nito.
Makapapamili rin ang mga customer ng tampok na haircuts at hair color services at kailangan lamang na mag-book ang mga serbisyong ito dalawang oras bago mag-deliver.
Para madugtungan ang kanilang kasalukuyang serbisyo na GrabExpress service na nagbibigay ng mismong araw ng delivery sa kanilang users sa mga limitadong area tulad ng Metro Manila, nakipag-partner ang Grab sa Ninja Van para madugtungan ang kanilang package delivery range sa buong bansa.
Ayon kay Martin Cu, pinuno ng Ninja Van sa Filipinas, na ang kanilang kompanya ay may network ng 9,000 riders na sumasakop sa 95 percent ng populasyon ng bansa at magbibigay sa GrabExpress users, lalo na roon sa may small and medium enterprises (SMEs), abot-kayang nationwide deliveries, bulk pick-up hanggang 30 parcels ng minsanan, at sunod na araw na sched-uled pickup.
“Grab and Ninja Van’s shared vision is to be the game changers in the logistics segments. We are committed to creating solu-tions that will enable millions of SMEs to scale their businesses and afford Filipinos the ability to easily reach their loved ones across the Philippines,” sabi ni Cu.
Ngayong Oktubre, makaaasa ang Grab users ng bagong “Videos” tile sa kanilang app na ginawang possible sa pakikipag-partner sa video-on-demand company HOOQ, na makapagbibigay sa users ng access sa mahigit na 8,000 Hollywood titles, local series, at free-to-air content.
Sa inisyatibo na ginawa noong 2018, nagagamit na ang Grab app para mag-book sa hotel at ibang serbisyo online, naging posi-ble sa pakikipag-partner sa Booking Holdings Inc. na nagpapatakbo ng hotels booking websites Agoda at Booking.com.
Noong Hulyo, inilunsad ng Grab ang kanilang Bus Marketplace in-app feature na nagbibigay sa users para makabili ng bus tickets na limitado sa point-to-point (P2P) operations ng Tas Trans at San Agustin na kasama ang Glorietta 2 hanggang Nuvali at Glorietta 2 papuntang Southmall routes.
Ngayong Setyembre, palalawakin ng Bus Marketplace ang bus routes servicing Olongapo to Clark, Clark to Dagupan at Makati to Noveleta, Cavite (and vice versa) routes.
Para makipagkompetensiya sa ibang online at mobile payment services na gustong makakuha ng lugar sa lumalagong digital market, pinalawig pa ng Grab ang kanilang GrabPay service sa pakikipag-partner naman sa PLDT Group at SM Investments Corp.
Papayagan na rin ng SM malls ang GrabPay users na hindi na pumila sa regular lanes at gamitin ang kanilang ‘Express Lanes’ sa SM Cinemas, at ‘Prestige Lanes’ sa SM Markets at bigyan ang users ng dobleng GrabReward points sa bawat pagbili.
Sa pamamagitan ng PLDT Global Corp. (PGC), ang OFWs mula sa Singapore at Malaysia ay makabibili na ng PGC Free Bee Voice Buckets kung saan makagagamit ang users ng international voice calls.
Ang subscribers ng Smart, TNT at Sun ay makabibili na rin ng Giga Video packages sa Grab app na may five percent discount gamit ang GrabPay. PNA