GRABBIKE MULING ILULUNSAD

GRABBIKE

INIHAYAG ng Grab na “seryoso nilang kinokonsidera” ang  muling paglulunsad ng motorcycle taxi service sa Philippines, sa ginagawa ng regulators ng test rules para sa 2-wheeled public transport services.

“Should GrabBike be revived, it would go against market leader Angkas and new players JoyRide and MoveIt,” sabi ng Grab. Nahinto ang GrabBike operations noong 2016 bilang pagtupad sa regu­lasyon ng gob­yerno.

Pahayag ng Grab na nakahanda sila na ipresenta ang kanilang GrabBike proposal sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board anumang oras.

“Grab would like to reiterate its interest in participating in the motorcycle taxi space to help provide affordable and agile transport solutions to hundreds of thousands of Filipino commuters,” sabi ng ride-hailing firm.

Hindi makiki­pag­kompetensiya ang GrabBike sa Angkas hanggang “klaro ang regulasyon,”  sabi ni Grab Philippines president Brian Cu sa isang panayam.

Kasalukuyang may superbisyon ang technical working group sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) ng pilot-run ng motorcycle taxis para sa ride-hailing ng Angkas, JoyRide at MoveIt bilang mga kasali.

Hiningi ng Grab sa technical working group na in charge sa pilot run para sa motor taxis na payagan sila na sumali, ayon sa kopya ng kanilang letter of intent.

Nagtakda ang Se­nate Committee on Public Services ng hearing sa motorcycle taxi regulation sa Enero 14, pahayag kamakailan ni Senator Grace Poe, na namumuno sa komite.

Comments are closed.