SUSPENDIDO simula ngayong araw ng Biyernes ang serbisyo ng ride-sharing service ng Grab Philippines sa harap ng pangamba ng pagkalat ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ipinalabas na advisory ng Grab, ipinarating nito na pansamantala muna nilang inihinto ang naturang ser-bisyo sa mga lugar ng Metro Manila at Cebu simula alas-12 ng tanghali bilang tugon sa mga hakbang ng ‘social distancing’ na iminumungkahi ng mga health official sa bansa.
Ang ibang Grab transport services naman ay tuloy pa rin para matugunan ang mga pangangailangan ng mga commuter.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Grab ang mga commuter na planuhin nang husto ang kanilang mga biyahe at seryosohin ang pagpapanatili ng kalinisan sa katawan. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.