UPANG makagawa ng mga batas na mapakikinabangan ng taumbayan, nagpahayag ng interes ang reeleksiyonistang si Senadora Grace Poe na makianib sa Makabayan bloc kasama ang ilang kandidato sa pagka-senador.
Ito ay matapos iendorso ng partido si Poe at iba pang kandidato sa pagka-senador tulad nina dating Rep. Neri Colmenares, re-electionist Sen. Bam Aquino, at opposition bets na sina Chel Diokno, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Erin Tañada at dating Senador Serge Osmeña III.
Sinabi ni Poe na tulad ng Makabayan bloc, layunin din niyang magtulak ng mga batas na mapakikinabangan ng sambayanan.
“We have shared goals with Makabayan bloc for the people, and we offer our commitment to pursue legislation built on our unity and cooperation for the benefit of the people,” ani Poe.
Binalikan pa ng senadora ang naging papel ng Makabayan sa pagsuporta nito sa presidential bid ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe, Jr. noong 2004 at kanyang sariling candidacy noong 2013 at 2016.
Tulad ni Poe, bukas din si Senadora Nancy Binay na makianib sa partido.
“I believe that the Senate should be free, independent and should act in the best interest of the people,” sabi ni Binay. “Maganda po ang inisyatiba ng Makabayan na pagsamahin po ang siyam na indibidwal na mula sa iba’t ibang partido.”
Comments are closed.