GRACE POE, MATATAG SA NO. 1 SA MAGDALO SURVEY

SEN GRACE POE

NANANATILING matatag at hindi natitinag sa puwesto si re-electionist Senator Grace Poe matapos na muli siyang mag-ing topnotcher sa inilunsad na survey ng Magdalo Group para sa darating na eleksiyon sa Mayo 13.

Sa pinakahuling senatorial survey na inihayag ng Senador Antonio Trillanes IV ng Magdalo Group kamakalawa, lumitaw na 60.6% ng mga respondent ang pabor na muling maluklok sa Senado ang anak ng yumaong Hari ng Pelikulang Filipino na si Fer-nando Poe Jr.

Samantala, lumun­dag naman sa ika-6 na puwesto mula sa dating ika-16 si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go noong Enero na nakakuha ng 41.1%.

Dalawang miyembro ng oposisyong Otso Diretso na sina re-electionist Senator Bam Aquino at dating senador Mar Roxas ang nakasingit sa listahan ng aspiranteng posibleng makalusot sa Magic 12 sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Lumusot sa ika-9 na puwesto si Aquino na nakakuha ng 32.6% at ­Ro­xas sa ika-11 puwesto na may 30.9%.

Kabilang din sa Magic 12 sina re-electionist Senator Cynthia ­Villar, ­Nancy Binay, Koko Pimentel, ­Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating ­Senador Lito Lapid, Pia Cayetano, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Isinagawa ang survey noong ­Marso 5-7, 2019 at mayroon itong 3,000 ­respondents.

Comments are closed.