NAGPASALAMAT si Senador Grace Poe kay Pangulong Rodrigo Duterte sa nilagdaang 2019 national budget.
Ayon kay Poe, kahanga-hanga ang ginawa ng Pangulo lalo na ang ginawang pag-veto sa kuwestiyonableng P95.3 bilyon sa P3.757 trilyong national budget.
“We thank the President for signing the new budget, more so, for exercising his veto power on provisions that are questionable,” ayon sa senador.
“The budget should ensure that our economy will work for everybody, especially the poor, who most need basic services,” dagdag ni Poe na tumatakbo ng reeleksiyon sa May 13 midterm elections.
Sinabi naman ni Poe na hindi pa tapos ang kanyang misyon sa pagbabantay sa budget dahil ang susunod naman nilang trabaho ay masigurong ginagastos ito sa tamang paraan upang mapakinabangan ng taumbayan.
“Our task does not end here. Equally important is to see to it that the money is spent where it was allocated, and is felt by the people,” diin pa ni Poe.
“Magbantay tayo para matiyak na ang huling piso ay sa kapakanan ng taumbayan mapupunta,” dagdag ni Poe.