GRACE POE,  NANATILING MATATAG SA NO. 1

grace poe

NAPANATILI ni Senadora Grace Poe ang pagi­ging number 1 sa Pulso ng Filipino survey ng The Center.

Sa isinagawang survey sa 1,800 rehistradong botante sa buong kapuluan, 54.7% ang bumoto kay Poe.

Ang survey ay isinagawa noong Abril 23-27, o higit dalawang linggo bago ang May 13 midterm elections.

Kasunod ito ng resulta ng Pulse Asia survey na statistically tied sa pangunguna sina Poe at Senadora Cynthia Villar,

Nasa likod naman ni Poe sa The Center surver sina Villar, dating senador Lito Lapid, dating Special Assistant to the President Bong Go, Sen. Sonny Angara at at dating senador Pia Cayetano.

Umokupa naman sa ikapito hanggang ika-12 puwesto sina Sen. Nancy Binay, dating Philippine National Police (PNP) chief Bato dela Rosa, Metro Manila Development Authority (MMDA) general manager Francis Tolentino, dating senador Bong Revilla, dating senator Jinggoy Estrada at Sen. Bam Aquino.

Nakabuntot naman sa kanila sina Sen. JV Ejercito, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Sen. Koko Pimentel at dating senador Mar Roxas.

Nilinaw naman ng The Center na maaari pang magbago ang posisyunan ng mga kandidato depende kung ieendorso sila ng mga religious group na kilalang may bloc voting.

Comments are closed.