NANATILI pa ring matatag ang pagkakahawak ni Senadora Grace Poe sa numero uno ng listahan ng mga kandidato para sa pagka-senador ng mga botanteng Filipino sa nalalapit na midterm elections sa Mayo.
Mula sa katanungang sino ang ihahalal kung ngayon na isasagawa ang eleksiyon, lumitaw na kinamada ni Poe ang 72.8% ng voters preference upang pangunahan ang Magic 12 ng senatorial winning candidates, ayon na rin sa pinakahuling survey na ginawa ng Pulse Asia mula Marso 23 hanggang 27.
“Sa mahigit 300 lehislasyon na ginawa natin sa Senado, pangunahin lagi ang kapakanan ng taumbayan. Sinusuklian ng tapat na paglilingkod ang inyong pagtitiwala. Wala akong partido. Sa lahat ng aksiyon sa Senado, tanging ang kapakanan ng taumbayan ang konsiderasyon ko. Kung pagkakatiwalaan ninyo, itutuloy natin ang ganitong trabaho,” pasasalamat ni Poe sa kanyang mga tagasu-porta sa buong Filipinas.
Pumangalawa pa rin sa kanya ang kapwa reeleksiyonistang si Senadora Cynthia Villar na may 63.7% habang nasa pangatlo hanggang limang puwesto sina Senador Edgardo “Sonny” Angara (58.5%), dating Special Assistant to the President Christian “Bong” Go (55.7%) at dating senadora Pia Cayetano (52.2%).
Pasok pa rin sa pang-anim na puwesto si Senadora Nancy Binay (45.5%), kasunod sina dating Philippine National Police chief Ronald “Bato” Dela Rosa (6th, 44.8%), dating Senador Ramon “Bong” Revilla (7th, 40.9%), Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (8th, 39.0%), dating Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino (9th, 35.7%) at si dating Senador Jinggoy Estrada (10th, 35.2%).
Samantalang dikitan pa rin ang labanan para sa huling dalawang puwesto na sina Senador Bam Aquino (33.8%), dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel (33.6%) at mga dating Senador Serge Os-meña (33.0%) at Mar Roxas (31.3%).
Comments are closed.