MULING nanguna sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) si senatorial reelectionist candidate Grace Poe.
Isinagawa ang survey sa buwan ng Pebrero at Marso na may 1,200 respondents mula sa iba’t ibang panig ng Filipinas.
Ang mga respondent ng VTS ay pawang mga mananampalatayang Katolikong botante mula sa mga parokya sa 86 na mga Arkidiyosesis at Diyosesis ng Simbahang Katolika sa Filipinas.
Pumasok sa Magic 12 ng Veritas Truth Survey sina (2) Sonny Angara, (3) Cynthia Villar, (4) Pia Cayetano, (5) Willie Ong, (6) Ronald Dela Rosa, (7) Nancy Binay, (8) Paulo Bam Aquino, (9) Christopher ‘Bong’ Go, (10) Neri Comenares, (11) Aquilino “Koko” Pimentel III at (12) Francis Tolentino.
Magugunita na si Poe ang laging nangunguna sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS).
Ikinatuwa naman ng isang opisyal ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ang listahan ng ieendorso sa pagkasenador ng isang interfaith group.
Tinutukoy ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang 10 kandidato na pinili ng ilang lay Christian leaders mula sa People’s Choice Movement, na binubuo ng mga Katoliko, Evangelical at Protestanteng lay leaders.
“Our lay leaders, the People’s Choice Movement, have done their work of discernment,” ani Pabillo sa kanyang Faceook post.
Nangunguna sa listahan ang independent candidate na si Sen. Poe, dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at walo mula sa opposition slate na Otso Diretso: Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas at Erin Tañada.
Ani Pabillo, trabaho ngayon ng mga layko na tulungan ang kanilang mga kandidatura para kontrahin ang mga tradisyunal na politiko.
“Now is the task for all the lay faithful to campaign the deserving candidates so as to counter the money and the political machineries that the TRAPO politicians are using,” dagdag niya.
Comments are closed.