GRACEFUL EXIT (Fuel Masters pinataob ang Elite sa OT)

fuel master

Laro ngayon:

(University of Southeastern Philippines Gym)

5 p.m. – TNT vs Magnolia

HINDI na bago kay Matthew Wright ang gumanap na bayani at muling dinala ng Filipino-Canadian ang Phoenix Fuel Pulse Master sa 120-117 overtime win kontra Blackwater upang mainit na tapusin ang kanilang kampanya sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Kumana si Wright ng three-pointer sa hu­ling 3.5 segundo ng laro matapos na tumawag ng timeout si coach Louie Alas at ikinasa ang final of-fensive, at kinuha ni Wright ang huling tira upang isalba ang laro sa paghamon sa depensa ni  Don Trollano.

“The clock is slowly ticking down and I have no choice but to shoot the ball and thank God I made it. It was a miracle shot. I couldn’t believe it,” sabi ni Wright.

“I told the players to do the job whoever has the chance to shoot and Wright took over. I’m glad, he made it,” sabi ni Alas.

Si Wright din ang nagdala sa Phoenix sa overtime sa pagkamada ng tatlong sunod na tres, ang huli ay sa huling tatlong segundo upang matapos ang regulation sa 109-all.

Tumipa si Wright ng 28 points at 6 rebounds at muling itinanghal na ‘Best Player of the Game’.

Nakalulungkot ang pagkatalo ng Blackwater na dinomina ang laro nang  lumamang ng 11 poinrts, 98-87,  sa mga tira nina Marcus Blakely, Roi Sumang at Mac Belo. Subalit hindi nila na-sustain ang kanilang opensiba at bumigay sa bandand huli sa lungkot ni coach Aries Dimaunahan na tinapos ang torneo na may  2-9 kartada.

“We failed to sustain our game. We committed many lapses and our defense disintegrated. Sayang hindi namin nasuportahan ang aming laro hanggang sa huli,” p­i­ling na sinabi ni Maunahan. CLYDE MARIANO

Iskor:

Phoenix (120) – Gee 34, Wright 28, Garcia 17, Mallari 10, Intal 9, Chua 9, Perkins 4, Jazul 3, Kramer 3, Napoles 2, Gamboa 1, Marcelo 0.

Blackwater  (117) – Blakely 37, Belo 25, Canaleta 12, Sumang 10, Tolomia 9, Cruz 7, Dario 6, Salem 6, Trollano 5, Desiderio 0, Al-Hussaini 0, Javier 0.

QS: 22-16, 45-46, 73-81, 109-109, 120-117

Comments are closed.