‘GRACEFUL EXIT’ SA KATROPA

TNT

MACAO – Pinulbos ng TnT Katropa ang Niigata Albirex Basketball, 99-90, para sa ‘graceful exit’ sa East Asia League Terrific 12 tournament kahapon sa Tap Seac Multisport Pavilion.

Nagbida si KJ McDaniels para sa Katropa  sa pagkamada ng 11 sa huling 14 points ng koponan tungo sa game-high 47 points. Pinangunahan niya ang paghahabol ng TNT sa 58-49 deficit.

Nagdagdag din ang dating NBA player ng 17 rebounds at bumuslo ng 19-of-35 mula sa floor sa comeback win na nagbigay sa Katropa ng 1-1 record sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa Group D.

Sa kabila ng panalo ay nabigo ang Katropa, naglaro na wala sina second import McKenzie Moore at starters Jayson Castro at Troy Rosario, na umabante sa semifinals.

Ang Liaoning Flying Leopards ang nakakuha ng semifinals berth sa Group D.

“I feel very fortunate to have another good player that’s capable of helping us a lot,” wika ni TnT team consultant Mark Dickel.

“We definitely didn’t want to come away from here having lost that first two games.”

Humataw rin si Roger Pogoy ng 27 points sa 9-of-18 shooting mula sa floor, habang nag-ambag si new acquisition Almond Vosotros ng 12, kabilang ang isang clutch three sa huling dalawang minuto na naglagay sa talaan sa 94-88 pabor sa  TnT.

Iskor:

TnT Katropa (99) – McDaniels 47, Pogoy 27, Vosotros 12, Casino 5, De Leon 5, Semerad 2, Magat 1, Carey 0, Golla 0, Washington 0.

Niigata Albirex Basketball (90) – Perkins 34, Kashiwagi 17, Ikeda 16, Imamura 8, Ueta 6, Ishii 3, Takahashi 2, Uzawa 2, Morii 2.

QS: 23-21; 50-47; 72-71; 99-90

Comments are closed.