NEGROC OCCIDENTAL – PATAY ang isang grade 10 student matapos mabaril sa gitna ng rambol sa Bacolod City.
Sa ulat na nakarating sa pulisya, isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni John Martin Ronamo, 16-anyos.
Matagal na umanong alitan ng grupo ng mga kabataan ang dahilan ng gulo.
Nadakip naman ang dalawang suspek, kabilang ang isang menor.
Gayunman, pinaghahanap ang isa pang suspek na siya umanong nagpaputok ng baril. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.