CAVITE – KALABOSO ang binagsakan ng 18-anyos na Grade 10 student makaraang makumpiskahan ng P49.3k halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang anti-drug operation ng awtoridad sa gilid ng San Nicolas De Tolentino Chapel sa Brgy. San Nicolas 1, Bacoor Citye kamakalawa ng gabi.
Isinailalim sa drug test at medical examination bago dalhin sa police detention facility ang suspek na si Justine Mark Alonzo y Loon ng Lourdes Cmpd., Brgy. San Nicolas 1, Bacoor City, Cavite
Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na bagitong drug courier ang suspek na nakumpiskahan ng 7.25 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na pinaniniwalaang nagmula pa sa Highland.
Nabatid din na ang suspek ay sinasabing isa sa drug pusher sa nabanggit na barangay at nasa drug watchlist ng awtoridad.
Pina-chemical analysis sa Cavite Provincial Crime Laboratory Offie sa Imus City ang nasamsam na marijuana na gagamiting karagdagang ebidensya sa pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal laban sa suspek. MHAR BASCO
Comments are closed.