MALABON CITY – HINIHINALANG nalunod ang 15-anyos na grade 10 student nang hindi na lumutang pa makaraang tumalon sa ilog para maligo kasama ang nakatatandang kapatid at mga kaibigan.
Nakilala ang biktima na si Winlito Tercio, residente ng No. 687 Gulayan, Brgy. Catmon na patuloy pa rin pinaghahanap ng awtoridad.
Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Nicole Dave Yu, 20, dakong ala-1:00 ng hapon nang magtungo ang biktima kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Winrick at mga kaibigan sa Tullahan River upang maligo.
Pagdating sa naturang lugar, ilan sa kanyang mga kasamahan ang nagsimula nang tumalon sa Maysilo-Tinajeros Tullahan River kaya tumalon na rin sa ilog ang biktimaa.
Makalipas ang ilang minuto, hindi na lumutang ang biktima kaya sumisid sa ilog ang kanyang nakatatandang kapatid subalit, hindi ito natagpuan kaya humingi na ng tulong ang kanilang pamilya sa pulisya.
Kaagad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad subalit, nabigo ang mga ito na matagpuan ang biktima. VICK TANES
Comments are closed.