GRADE 11 PATAY SA HAZING

NUEVA ECIJA – ISA na namang lala­king estudyante ang nasawi sa umano’y hazing sa Jaen, Nueva Ecija.

Kinilala ito ng Jaen Municipal Police Station na si Ren Joseph Bayan, 18-anyos.  residente sa lugar.

Natukoy ang sanhi ng kamatayan ng biktima nang isalaysay ng tiyahin nito sa pulisya na nasa final stage na ang hazing sa kanya sa bayan ng San Leonardo.

Alas-10:30 ng gabi nang iulat ng kanyang tiyahin  sa pulisya ang pagkamatay ng pamang­kin.

Habang inihatid ng mga suspek sa kanilang bahay ang walang buhay na si Joseph.

Nakipag-coordinate naman ang Jaen Police sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang isailalim sa autopsy ang biktima.

EVELYN GARCIA